Monday, October 14, 2013

PANALANGIN PARA SA MGA RELIHIYOSONG “BROTHERS” AT MGA MADRE, every 5th week of the month

MAPAGMAHAL NA AMA, IPINAGDARASAL PO NAMIN ANG AMING MGA RELIHIYOSONG KAPATID, ANG MGA “BROTHERS” AT MGA MADRE, NA NAG-ALAY AT NAGTALAGA NG KANILANG BUHAY SA IYO AT SA IYONG SIMBAHAN SA PAMAMAGITAN NG PAGTALIMA SA IYONG KALOOBAN, KALINISAN AT KARUKHAAN NG BUHAY UPANG MAGING SAKSI SA MUNDONG ITO NG IYONG WALANG HANGGANG KAHARIAN. BIGYAN NYO PO SILA NG TIYAGA AT GABAYAN NYO PO SILA SA KANILANG PAGPUPURSIGE SA PAGSASABUHAY NG KANILANG SINUMPAAN, ANG BUONG PAGMAMAHAL AT PAGLILINGKOD SA IYO AT SA IYONG SIMBAHAN.

MAPAGPALANG AMA, IPINAPANALANGIN PO NAMIN LALONG LALO NA ANG MGA “BROTHERS” AT MGA MADRE DITO SA AMING DIYOSESIS NA SILA AY MAGING MATIBAY AT MALIWANAG NA SAKSI NG IYONG PAGHAHARI. NAWA SA KANILANG PAGTALIMA SA IYONG KALOOBAN, SA KALINISAN AT KAPAYAKAN NG KANILANG BUHAY AY MAUNAWAAN NAMIN ANG PAGDATING NG IYONG WALANG HANGGANG KAHARIAN AT PAGLIPAS NG MGA BAGAY-BAGAY AT PAGBABAGO NG MUNDONG ITO. NAWA’Y MAGING MABUNGA RIN ANG KANILANG PAGLILINGKOD SA SAMBAYANANG KRISTIYANO SA PAGBABAGO NG MGA PUSO PARA SA IYONG KALUWALHATIAN.

SA TULONG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA, NI SAN JOSE AT MGA SANTO, HINIHILING NAMIN ITO SA NGALAN NG IYONG ANAK NA SI HESUKRISTO SA KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU SANTO. AMEN

PANALANGIN PARA SA BAYAN, every 4th week of the month

Mapagmahal na Ama, masdan Mo ang aming bayan na dumaranas pa rin ng matinding kahirapan. Kay dami ng nagugutom, nagkakasakit, walang trabaho at kumakapit sa manipis na pag-asa.Makapangyarihang Ama, pakinggan Mo po ang aming hinaing at hanguin kami sa aming abang kalagayan. Pagkalooban mo po ang aming lipunan, maging sa pamahalaan man o sa pribadong sektor, ng mga lider na sa kaibuturan ng kanilang puso ay ang tapat na paglilingkod para sa mabuting kapakanan ng taong-bayan. Kaya, bigyan mo pa ng lakas-loob at karunungan ang aming mga lider na nagsusumikap maglingkod ng tapat sa taong-bayan at tunay na nagmamalasakit lalo na sa Iyong mga dukha. Panibaguhin mo naman at linisin ang puso at isipan ng ibang mga lider namin na hindi tapat na naglilingkod sa taong-bayan at hindi nagmamalasakit lalo na sa Iyong mga dukha. Mabuting Ama, pagpalain mo rin po kaming mamamayang Pilipino na sa liwanag ng pananampalataya, nawa’y magsumikap kami sa marangal at malinis na paghahanapbuhay para sa aming pamilya, at makipagtulungan sa mabubuting gawain para sa aming bayan upang makamit namin ang pinapangarap naming maunlad, masagana at mapayapang Sambayanang Pilipino.Mahal na Ama, sa pamamagitan ng halimbawa ni Hesus na iyong Anak at Lingkod, at sa tulong ng Espiritu Santo, maganap nawa ito ayon sa Iyong kalooban. Amen

PANALANGIN PARA SA MGA PARI, every 3rd week of the month

 Panginoong Hesus, aming Mabuting Pastol,
Tinawag mo ang iyong mga pari
Upang maki-isa sa Iyong misyon na akayin kami sa butihing Ama
sa pamamagitan ng daan ng kabanalan—ang pagmamahal at wagas na paglilingkod.

Isinasamo namin sa Iyo--- patnubayan mo po sila
Upang sa pamamagitan ng kanilang matalik na pakikipagugnayan sa Iyo sa pagdarasal
Nawa'y mahubog ang kanilang katauhan
Ayon sa Iyong kalooban.

Tulungan mo po sila na maialay ang kanilang sarili sa Iyo araw-araw
Upang makapaglingkod sila ng buong pagmamahal at katapatan.
Nawa’y maging matiyaga, masigla at matatag lagi sila
Sa pagpapahayag ng iyong Mabuting Balita, sa pagdiriwang ng mga banal na Sakramento,
At pagpapalaganap ng pagkakaisa ng Iyong sambayanan.

Sa tulong ng Espiritu Santo,
maisulong at maipalaganap nawa nila ang Iyong paghahari
kasama ng sambayanang Kristiyanong
nagpupuri at nagpapasalamat sa Iyo
ngayon at magpasawalang hanggan. Amen

Mahal na Birheng Maria, Ina ng mga Pari, Ipanalangin mo kami.

San Juan Maria Vianney, Patron ng mga Pari, Ipanalangin mo kami

PANALANGIN PARA SA KABATAAN, every 2nd week of the month

Ama naming mapagmahal, Ikaw ang siyang nagpapadala ng mga manggagawa sa iyong sambayanan. Kami ay dumudulog, taglay ang aming pag-asa at pananampalataya sa Iyo, na patuloy kang mag-sugo ng mga magsisilbing manggagawa sa iyong sambayanan. Dalangin namin, liwanagan Mo sana ang puso ng aming mga kabataan upang mabatid nila ang Iyong tawag patungo sa buhay na banal. Puspusin Mo sila ng Iyong Espiritu Santo upang makagawa sila ng mabuting pagpapasya at matuklasan nila ang katotohanan tungkol sa kanilang sarili at tawag sa buhay. Tulungan Mo silang maging matiyaga sa pagharap sa mga pag-subok at hamon sa buhay. Palakasin Mo ang kanilang kalooban na ialay ang kanilang buhay sa pagmamahal at pag-lilingkod sa kanilang kapwa, sa bayan at simbahan. Higit sa lahat, punuin Mo sila ng kabutihang-loob ni Hesus na nag-handog ng Kanyang sarili ng may pag-ibig at kagalakan. Pagpalain mo din ang aming parokya at diocesis ng mas marami pang kabataan na tutugon sa Iyong tawag na maglingkod bilang pari, madre at relihiyoso. Gawin mo ding bukas-palad ang kanilang mga magulang upang maunawaan nila ang kagandahan ng mga bokasyong ito, upang sama-sama kaming maging daan ng pagbabago, pag-asa at paglilingkod sa bayan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesus, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen

PANALANGIN PARA SA PAMILYA, every 1st week of the month

Panginoong Diyos,Pinupuri at pinasasalamatan ka naminsa iyong walang hanggang pagmamahalna siyang nagbubuklod sa amin bilang mag-anak.Maghari Ka nawa sa aming puso at punuin mo ng pag-ibig atkatapatan, kapayapaan at kasaganahan ang aming tahanan.

Patuloy mo po sanang basbasan ang aming pamilya.Patatagin mo po kami sa pananalig sa Iyo,lalo na sa panahon ng kahinaan at pagsubok.Lingapin mo po sana ang mga pamilya na ngayon ay nagdaranas ng matinding kahirapan at pagdurusa,nawawalan ng pag-asa at nagkakahiwalaydahil sa hindi pagkakaunawaan.

Turuan mo po kaming laging magpasalamatsa biyaya ng buhay, pananampalataya at kaligtasan.Akayin mo po kami sa kabanalang handog moupang maging mabuting halimbawa kami sa isa’t-isa:mga pamilyang Pilipino na may takot sa Diyos,nagsisikap magmahalan ng wagas,naghahanap buhay ng marangalat nagmamalasakit sa aming kapwa.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo,Sa patnubay ng Espiritu SantoMagpasawalang hanggan.

Banal na Mag-anak, tulungan ninyo po kami.

Amen.

POST COMMUNION PRAYER FOR THE FIRST WEEK OF THE MONTH...... MONDAY TIL SUNDAY