Monday, October 14, 2013

PANALANGIN PARA SA KABATAAN, every 2nd week of the month

Ama naming mapagmahal, Ikaw ang siyang nagpapadala ng mga manggagawa sa iyong sambayanan. Kami ay dumudulog, taglay ang aming pag-asa at pananampalataya sa Iyo, na patuloy kang mag-sugo ng mga magsisilbing manggagawa sa iyong sambayanan. Dalangin namin, liwanagan Mo sana ang puso ng aming mga kabataan upang mabatid nila ang Iyong tawag patungo sa buhay na banal. Puspusin Mo sila ng Iyong Espiritu Santo upang makagawa sila ng mabuting pagpapasya at matuklasan nila ang katotohanan tungkol sa kanilang sarili at tawag sa buhay. Tulungan Mo silang maging matiyaga sa pagharap sa mga pag-subok at hamon sa buhay. Palakasin Mo ang kanilang kalooban na ialay ang kanilang buhay sa pagmamahal at pag-lilingkod sa kanilang kapwa, sa bayan at simbahan. Higit sa lahat, punuin Mo sila ng kabutihang-loob ni Hesus na nag-handog ng Kanyang sarili ng may pag-ibig at kagalakan. Pagpalain mo din ang aming parokya at diocesis ng mas marami pang kabataan na tutugon sa Iyong tawag na maglingkod bilang pari, madre at relihiyoso. Gawin mo ding bukas-palad ang kanilang mga magulang upang maunawaan nila ang kagandahan ng mga bokasyong ito, upang sama-sama kaming maging daan ng pagbabago, pag-asa at paglilingkod sa bayan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesus, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen

No comments:

Post a Comment