Ama
naming mapagmahal, Ikaw ang siyang nagpapadala ng mga manggagawa sa
iyong sambayanan. Kami ay dumudulog, taglay ang aming pag-asa at
pananampalataya sa Iyo, na patuloy kang mag-sugo ng mga magsisilbing
manggagawa sa iyong sambayanan. Dalangin namin, liwanagan Mo sana ang
puso ng aming mga kabataan upang mabatid nila ang Iyong tawag patungo sa
buhay na banal. Puspusin Mo sila ng Iyong Espiritu Santo upang makagawa
sila ng mabuting pagpapasya at matuklasan nila ang katotohanan tungkol
sa kanilang sarili at tawag sa buhay. Tulungan Mo silang maging matiyaga
sa pagharap sa mga pag-subok at hamon sa buhay. Palakasin Mo ang
kanilang kalooban na ialay ang kanilang buhay sa pagmamahal at
pag-lilingkod sa kanilang kapwa, sa bayan at simbahan. Higit sa lahat,
punuin Mo sila ng kabutihang-loob ni Hesus na nag-handog ng Kanyang
sarili ng may pag-ibig at kagalakan. Pagpalain mo din ang aming parokya
at diocesis ng mas marami pang kabataan na tutugon sa Iyong tawag na
maglingkod bilang pari, madre at relihiyoso. Gawin mo ding bukas-palad
ang kanilang mga magulang upang maunawaan nila ang kagandahan ng mga
bokasyong ito, upang sama-sama kaming maging daan ng pagbabago, pag-asa
at paglilingkod sa bayan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesus,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen
Monday, October 14, 2013
PANALANGIN PARA SA PAMILYA, every 1st week of the month
Patuloy mo po sanang basbasan ang aming pamilya.Patatagin mo po kami sa pananalig sa Iyo,lalo na sa panahon ng kahinaan at pagsubok.Lingapin mo po sana ang mga pamilya na ngayon ay nagdaranas ng matinding kahirapan at pagdurusa,nawawalan ng pag-asa at nagkakahiwalaydahil sa hindi pagkakaunawaan.
Turuan mo po kaming laging magpasalamatsa biyaya ng buhay, pananampalataya at kaligtasan.Akayin mo po kami sa kabanalang handog moupang maging mabuting halimbawa kami sa isa’t-isa:mga pamilyang Pilipino na may takot sa Diyos,nagsisikap magmahalan ng wagas,naghahanap buhay ng marangalat nagmamalasakit sa aming kapwa.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo,Sa patnubay ng Espiritu SantoMagpasawalang hanggan.
Banal na Mag-anak, tulungan ninyo po kami.
Amen.
POST COMMUNION PRAYER FOR THE FIRST WEEK OF THE MONTH...... MONDAY TIL SUNDAY
Subscribe to:
Comments (Atom)